Pilipinas, muling makikipaglaban sa Chinese-Taipei sa 2nd round ng 2024 AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament

Pilipinas, muling makikipaglaban sa Chinese-Taipei sa 2nd round ng 2024 AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament

MULING magku-krus ang landas ng Pilipinas sa Chinese Taipei sa ikalawang round ng 2024 Asian Football Confederation (AFC) Women’s Olympic Qualifying Tournament sa Oktubre.

Matapos talunin ang parehong bansa noong nakaraang taon sa unang pagkakataon, umaasa ang Pilipinas na mapabilang sa Group A para maabot ang final phase ng tournament na gaganapin sa Paris sa susunod na taon.

Makakaharap din ng Pilipinas ang Australia at Iran para mapabilang sa puwesto sa qualifiers.

Samantala, kabilang sa Group B ay China, South Korea, Thailand at North Korea habang ang Group C ay binubuo ng Japan, Vietnam, Uzbekistan at India.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter