INANUNSIYO ng Moldova na hindi na sila gumagamit ng natural gas o kuryente mula sa Russia.
Ayon kay Moldova Prime Minister Dorin Recean, napagdesisyunan nilang huwag nang gumamit ng natural gas mula sa Russia dahil sa digmaang nangyayari sa pagitan ng Moscow at Kyiv, Ukraine.
Sa katunayan, noong December 2022 ay nauna nang sinabi na ang Moldovagaz ay bibili ng 100 million cubic meters ng gas mula sa domestic supplier na Energocom.
Isa ang Moldova sa matinding kumokondena sa pananakop ng Russia sa Ukraine.
