Pinakamataas na bilang ng kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

NAITALA ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 sa 9,838 ngayong araw, Marso 26.

Ayon sa Department of Health (DOH), ito na ang pinakamataas na naitala simula nang manalasa ang pandemya ng COVID-19 sa bansa noong Pebrero 2020.

Dahil dito, pumalo na sa 702,856 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, mayroon namang naitalang 63 na gumaling sa sakit habang 54 ang nasawi.

Mataas din ang bilang ng aktibong kaso na nasa 109,018 o 15.5% mula sa kabuuang bilang.

Sa mga aktibong kaso, 3.0% ang asymptomatic, 0.7% ang kritikal, 0.8% ang severe, 0.42% ang moderate.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.