Pinalakas na Balikatan Exercises, nakatuon sa regional security at West Philippine Sea tensions

Pinalakas na Balikatan Exercises, nakatuon sa regional security at West Philippine Sea tensions

Mas pinalakas at pinaiigting ang ika-41 na edisyon ng Balikatan Exercises ngayong taon, kung saan mahigit 17,000 tropa mula sa Pilipinas at anim na kaalyadong bansa ang lalahok mula Abril 20 hanggang Mayo 8.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), layunin ng ehersisyo na palakasin ang kakayahan ng mga bansa sa joint operations sa gitna ng tumitinding isyu sa seguridad sa Indo-Pacific, kabilang ang sitwasyon sa West Philippine Sea (WPS).

Kabilang sa mga tampok ng pagsasanay ang live-fire exercises, maritime drills, at integrated air at missile defense operations sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kapansin-pansin din ang mas aktibong papel ng Japan, na magpapakawala ng ground-to-surface missile sa isang target ship bilang bahagi ng drills.

Iginiit naman ng United States Armed Forces na nananatiling matibay ang alyansa nito sa Pilipinas, kahit may kasabay na deployment ng puwersa sa Middle East, habang patuloy na pinalalawak ang koordinasyon sa mga kaalyado sa rehiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter