Pinas, nais magkaroon ng maritime drills kasama ang European countries

Pinas, nais magkaroon ng maritime drills kasama ang European countries

NINANAIS ng Pilipinas na magkaroon na rin ng mga Joint Maritime Drill kasama ang France, Italy at United Kingdom.

Inanunsyo ito ni Armed Forces of the Philippines Chief Gen. Romeo Brawner Jr. Matapos ibinahagi nya na mas dumarami na ang mga sasakyang pandagat ng China sa West Philippine Sea (WPS) partikular na noong 2024.

Noong Miyerkules, February 12, 2025 ay nagsagawa ng Maritime Exercise ang bansa sa pagitan ng Estados Unidos at Canada.

Nagsimula ito 9:00 ng umaga at natapos ng 4:00 ng hapon.

Nakatuon ang military exercise sa pagpapabuti ng koordinasyon at interoperability kasama na ang Antisubmarine Training Target Exercise.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble