CHEERS para sa Pinay designer na si Monique Lhuillier dahil bida ang pink strapless silk gown nito mula sa kaniyang Spring 2023 ready-to-wear collection sa 77th Cannes Festival.
Sinuot lang naman ito ni Yoona, isa sa top-bill actresses sa Seoul, ang center at visual ng Korean girl group na Girls’ Generation at ang tinaguriang “Commercial Film o CF Queen” sa kanilang bansa.
Dumalo si Yoona sa Cannes Festival ngayong taon bilang brand ambassador ng Chinese fine jewelry brand na Qeelin kasama si Zhang Yi Xing o mas kilala bilang Lay ng Korean-Chinese boy group na EXO.
Samantala, ang aktres naman na si Han So Hee ay present rin sa Cannes bilang ambassador ng French jewelry brand na Boucheron.