MATAPOS ang halos dalawang taon mula nang magtagumpay 2019 SEA Games, muling sasabak ang Team Bagsik – ang mga Filipino Muay Thai fighters sa international scene.
Ito’y sa pamamagitan ng International Federation of Muay Thai Associations (IFMA) world championships na gaganapin sa Phuket, Thailand sa darating na Disyembre.
Ayon kay Muay Thai Association of the Philippines Secretary General Pearl Managuelod, plano nilang magpadala ng buong team na binubuo ng labintatlong atleta.
Gayunman para makapaghanda, kailangan pa rin ng Team Bagsik na makakuha ng clearance mula sa Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na payagan silang mag-set-up ng bubble-type training camp sa Benguet State University.
Matatandaan na ang Muay Thai fighters Team Philippines ay nakakuha ng tatlong gold, apat na silver at dalawang bronze medals sa Muay Thai competitions noong 2019 SEA Games na ginanap sa Subic bay freeport zone.