Pinoy Para athletes, natanggap na ang incentives mula kay PBBM

Pinoy Para athletes, natanggap na ang incentives mula kay PBBM

PORMAL nang natanggap ng Pinoy Para athletes na sumabak sa 2023 Asian Para Games ang kanilang incentives mula kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ang Para athletes na naging dahilan para makapag-uwi ng 10 gold medals ang Pilipinas mula sa naturang international event ay binigyan ng tig-isang milyong piso.

Ang nakapag-uwi ng apat na silver medals ay nakatanggap ng tig-500 libo habang ang nagdala ng limang bronze medals ay nakatanggap ng tig-200 libong piso.

Nitong Enero 23, 2024 nang matanggap nila ito.

Sa kabuuan, nasa P13.45-M ang inilaang pondo para sa incentives ayon sa Presidential Communications Office (PCO).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble