INANUNSYO ni Justice Sec. Boying Remulla na inilipat na sa Office of the Ombudsman ang plunder complaint na inihain laban kay dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.
Ayon kay Remulla, naniniwala siyang hindi saklaw ng kanilang hurisdiksyon ang naturang kaso at ang Ombudsman ang mas may otoridad hinggil dito.
Ang tinutukoy na plunder complaint ay ang inihain ni BuCor acting Director General Gregorio Catapang Jr. noong February 6.
Tungkol ito sa tatlong construction projects para sa prison facilities sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan; Davao Prison and Penal Farm; at sa Leyte Regional Prison na nagkakahalaga ng tig-300 million pesos bawat isa.