NAGSAGAWA ng Mass Wedding Ceremony o Kasalang Panglungsod ang San Juan City Government ngayong Araw ng mga Puso.
Nasa 63 couples ang ikinasal ngayong araw na ginanap sa San Juan Gym.
Pinangunahan ni Mayor Francis Zamora ang nasabing seremonya kasabay na rin ng selebrasyon ng Civil Registration Month ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Magkakaroon naman ng reception para sa mga ikakasal matapos ang seremonya.
Bawat couple ay makatatanggap ng wedding cake at cash gift mula sa lokal na pamahalaan.
