NAGKASUNDO ang Philippine National Police (PNP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) na palakasin ang kanilang kooperasyon upang malabanan ang money laundering at financial crimes.
Ito ay kasunod ng AMLC delegation na pinangunahan ni AMLC Executive Director Atty. Mathew David kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa Camp Crame, Quezon City.
Ayon kay Acorda, malaki ang naitulong ng AMLC sa pulisya sa pagbuwag sa mga sindikato at mapigilan ang pagdaloy ng kanilang pera para sa krimen.
Kasabay nito, tiniyak ng PNP chief na pagbubutihin nila ang kanilang kapabilidad, intelligence gathering at analysis, at proseso ng imbestigasyon.
Gayundin ang patuloy na pakikipagtulungan sa AMLC upang matukoy ang emerging trends, share best practices, at makabuo ng estratehiya upang maputol ang financial networks ng mga sindikato.