MAGPAPATUPAD ang Philippine National Police (PNP) ng gun ban sa iilang parte ng Mindanao.
Saklaw ng gun ban ang Maguindanao, Lanao Del Sur, BARMM at 63 Barangays sa North Cotabato.
Hindi pa lang naisapinal ng PNP kung kailan ito sisimulang ipatupad.
Kasunod ito sa nangyaring ambush sa Lanao del Sur noong February 17 kung saan sugatan si Governor Mamintal Adiong Jr. at isa sa kanyang staff habang nasawi ang kanyang apat na police escorts ayon kay PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.
Sinasabi ni Azurin na posibleng rido ang dahilan ng ambush.