PNP, magsisimula nang gumamit ng body cameras sa Abril —Palasyo

MAGSISIMULA nang gumamit ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ng body cameras sa Abril upang linawin ang mga dumadaming tanong tungkol sa mga operasyon ng pulis na nauuwi sa pagpatay ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Roque na ang mga body cams ay nakahanda na at sa ngayon ay nagsasanay na ang PNP kung papaano gamitin ang mga ito sa kanilang mga operasyon.

Ani Roque, ang body cams ay mga physical evidence at hindi maaaring magsinungaling ang physical evidence.

Siniguro ito ni Roque kasunod ng pagkakapatay sa limang aktibista sa police raids sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon (Calabarzon) Region.

Matatandaan na noong nakaraang March 7, siyam na katao na miyembro ng human rights group ang pinatay sa simultaneous police operations sa probinsya ng Rizal, Laguna at Cavite.

Sa kabila ng pagkondena sa pagkakapatay sa mga aktibista, nanindigan ang PNP na nanlaban ang mga ito sa mga police at militar.

SMNI NEWS