Uniform curfew hours sa Metro Manila, magsisimula na sa Lunes

MAGSISIMULA na sa Lunes, Marso 15 ang uniform na curfew hours sa Metro Manila.

Ito’y matapos magkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na i-adopt ang curfew na alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa loob ng dalawang linggo.

Bunsod pa rin ito ng patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Pinangunahan ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Benjamin Abalos ang naturang pagpupulong ng mga metro mayor.

Nakiisa rin ang independent group na OCTA Research para ibahagi ang sitwasyon ng pandemya at nagbigay din ng gabay para sa mga kinakailangang pagbabago sa umiiral na polisiya laban sa sakit.

Una nang hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Metro Manila mayors na i-adopt ang uniform curfew hours sa NCR.

Matapos magpatupad ang ilan sa mayor ng mas mahabang curfew hours.

Kasalukuyang, ipinatupad ang curfew hours simula 12 a.m. hanggang 4 a.m. sa Valenzuela, Pasay, Parañaque, Taguig, Las Piñas, Makati, Mandaluyong City.

Mula 12 a.m. hanggang 5 a.m. curfew hours ang ipinatupad naman sa Manila at Pasig City.

Nagpatupad ng panibagong city-wide curfew hours ang San Juan City mula 10 p.m. hanggang 5 a.m. sa layuning makontrol ang pagtaas ng bilang ng COVID-19 sa komunidad.

Nagpatupad din ng mahabang curfew hours ang Caloocan City noong Marso 10 simula 10 p.m. hanggang 4 a.m.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.