IPINANGAKO ng bagong Philippine National Police (PNP) chief na si Gen. Benjamin Acorda, Jr. na mas magiging agresibo ngayon ang ahensiya laban sa kriminalidad.
Saklaw aniya ng kanilang pokus ang laban kontra iligal na droga, insurhensiya, terorismo, at mga ‘scalawag’ sa kanilang hanay.
Ipinangako rin ni Acorda na tututukan niya ang regional police offices at titiyaking makatatanggap ng sapat na pondo at logistics assistance.