UMAASA ang Philippine National Police (PNP) na ipupursige ng mga kaanak ng nawawalang sabungero ang paghahanap ng hustisya.
Ito ang iginiit ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo makaraang maaresto ang anim na suspek na umano’y nasa likod ng pagdukot sa mga sabungero.
Ayon kay Fajardo, patuloy ang koordinasyon nila sa Department of Justice (DOJ) upang mabigyang-linaw ang kaso.
Sinabi ni Fajardo na bagama’t matipid ang mga naibigay na sagot ng mga suspek ay hindi tumitigil ang PNP sa paghahanap ng mga mahahalagang impormasyon.
Una nang ikinabahala ng DOJ ang pahayag ng ilang kaanak ng mga nawawalang sabungero na hindi ituloy ang kaso dahil sa kawalan ng pag-asa.