PNP, umapela sa media vs vote buying at vote selling

PNP, umapela sa media vs vote buying at vote selling

PERSONAL na umapela si Philippine National Police (PNP) chief General Benjamin Acorda, Jr. sa hanay ng media para sa pagbabantay laban sa isyu ng vote buying at vote selling ng mga politiko ngayong panahon ng halalan.

Aminado ang PNP na malaki ang tulong ng media sa pagpapalaganap ng mahahalagang impormasyon kaugnay sa mga ipinagbabawal na gawin ng mga kandidato.

Ayon sa PNP, ang kanilang panawagan sa media at sa publiko ay para maiwasan na hindi masangkot ang mga kandidato sa ilegal na gawain kasabay ng hangarin nitong maging mapayapa, ligtas at malinis ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Bukod sa pagbibenta at pamimili ng boto, kinumpirma rin ng PNP na magiging istrikto sila sa money at paper trail sinuman ang mga sangkot sa nasabing kalakaran ngayong panahon ng halalan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter