ALL-set na ang magiging laro ni Pinoy boxer Marlon Tapales at Naoya Inoue ng Japan ngayong taon.
Sa Facebook post ng top rank boxing, gaganapin ang laro sa Disyembre 26 sa Ariake Arena, Tokyo, Japan.
Sa ngayon ay nag-eensayo si Tapales sa Estados Unidos at magsasagawa siya ng final training sa Baguio City sa susunod na buwan.
Maglalaban ang dalawang boksingero para sa junior featherweight crown.