POC, naniniwalang makakasungkit ng gintong medalya si EJ Obiena mula sa Asian Games

POC, naniniwalang makakasungkit ng gintong medalya si EJ Obiena mula sa Asian Games

MALAKI ang tiwala ni Philippine Olympic Committee (POC) President Bambol Tolentino na makakakuha ng gold medal si EJ Obiena sa magiging 19th Asian Games.

Kasunod ito sa nakuhang silver medal ni Obiena mula sa World Athletics Championships noong nakaraang buwan.

Ayon pa kay Tolentino, si Obiena rin ang tinaguriang Best Pole Vaulter sa buong Asya.

Maliban pa kay Obiena ay inaasahan ding makakasungkit ng gintong medalya si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz maging ang mga kalahok mula sa boxing at gymnast teams ng bansa.

Ang Asian Games ay nakatakdang gawin ngayong Setyembre 23 hanggang Oktubre 8.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble