INAPRUBAHAN ng Kongreso ang P200-million na budget para sa itatayong bagong Zamboanga International Airport.
Ayon kay House Committee on Appropriations Vice-Chairman Luis Campos, inaprubahan nila ang pondo sa ilalim ng 2023 national budget.
Ayon kay Campos na kinatawan ng Makati City sa Kongreso, itatayo ang bagong paliparan ng Zamboanga sa mas malaking 175-hectare site, malayo ng 17 kilometro kumpara sa operating airport sa kasalukuyan.
Dahil may pondo na para dito, lalagyan ang itatayong airport ng 3,440-meter runway para makapag-accommodate ng mas malalaking eroplano, bagong control tower, passenger terminals at 6 na jet bridge.
Bukod sa Zamboanga, may nakalaan ding budget na P50 million para sa Vigan Airport sa Ilocos Sur at P15 million para sa M’lang Airport sa Cotabato sa ilalim pa rin ng pambansang budget ngayong taon.
“We are all for increased government spending to develop aviation hubs. Being an archipelagic nation, highly efficient airports are essential for us to move people and goods faster,” ani Campos.