NAGSAGAWA ng sorpresang two-day nationwide mandatory drug test sa kanilang mga tauhan ang Philippine Ports Authority (PPA), mapa-regular o contractual man.
Hakbang ito ng PPA para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pantalan lalo na ngayong holiday season.
Sakaling may mag-positibo sa drug test, ipaiiral nila ang zero-tolerance policy sa kanilang workforce.
Sa drug test na isinagawa simula nitong Lunes, Disyembre 16, 2024, katuwang ng PPA ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).