MAKIKIPAG-USAP lamang si President Yoon kay U.S House Speaker Pelosi sa pamamagitan ng telepono ngayong araw matapos sabihin ng isa sa mga opisyal mula sa opisina ni Yoon na ang pagkikita ng dalawa ay hindi napaghandaan o wala sa plano.
Sa kasalukuyan, ay nasa summer vacation si President Yoon, nang dumating kahapon ng gabi sa Osan Airbase sa Pyeongtaek si U.S House Speaker Nancy Pelosi.
Nakatakda namang makipagkita si Pelosi kay South Korean National Assembly Speaker Kim Jin-Pyo upang pag-usapan ang regional security, economic cooperation, at iba pang mga naantalang isyu sa pagitan ng dalawang bansa.
Sa kanyang two-day trip, nakatakda ring bisitahin ni Pelosi ang Inter-Korean Truce Village sa Panmunjom, ngayong araw.
Si Pelosi ang kauna-unahang U.S House Speaker na bumisita sa South Korea, pagkatapos ng pagbisita sa bansa ni former Speaker Dennis Hastert, noong taong 2002.