Presyo ng produktong petrolyo, may rollback ngayong linggo

Presyo ng produktong petrolyo, may rollback ngayong linggo

MAGKAKAROON ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Posibleng bababa ng mula P0.90 hanggang P1.10 ang bawat litro ng diesel at kerosene.

Ang kada litro naman ng gasolina ay bababa naman ng nasa P0.60 hanggang P0.80.

Ang mga kompanya ng langis ay nakatakda namang mag-aanunsiyo ng kanilang pinal na price adjustment para sa kanilang produktong petrolyo ngayong araw.

Ang mga naturang oil price rollback ay ipatutupad na bukas, araw ng Martes.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble