NASA P7.1-M na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa sunud-sunod na operasyon ng awtoridad sa Central Visayas.
Ito ay kasabay na pagkaaresto ng Police Region Office 7 (PRO 7) sa 87 drug personalities mula noong Hunyo 11-17, 2023.
Samantala, sa kanilang kampanya laban sa illegal drugs, pito katao ang naaresto habang 10 hindi lisensiyadong armas ang nakumpiska.
Bukod pa dito ang pitong naarestong most wanted persons at 64 na indibidwal na may pending warrants of arrest.