BINAWI na ng Games and Amusement Board (GAB) ang professional license ng basketball player na si John Amores.
Sa pahayag ng GAB, hindi na maaaring maglaro si Amores sa anumang professional basketball games na aprubado nila.
Matatandaan na noong Setyembre, nasangkot si Amores sa isang shooting incident sa Laguna.
Naharap sila ng kaniyang kapatid sa kasong attempted homicide ngunit kahit na-detain ay nakalaya lang din matapos nakapagpiyansa.