Properties ng Manila LGU, marami nang naibenta simula nang umupo si Mayor Isko – Atty. Lopez

Properties ng Manila LGU, marami nang naibenta simula nang umupo si Mayor Isko – Atty. Lopez

INIHAYAG ni Manila mayoralty bet Atty Alex Lopez na hindi lang ang Divisoria Public Market ang naibenta ng Manila City Government simula umupo bilang alkalde ng Lungsod si Mayor Isko Moreno.

Dinipensahan ni Atty. Alex Lopez na kahit mismo ang kanyang Ama na dating alkade ng Manila na Mayor Mhel Lopez ay hindi nakaranas na magbenta ng patrimonial property na pag-aari ng lungsod.

Ayon kay Lopez, hindi pagbebenta ng mga property na pag-aari ng lungsod ang sagot sa kahirapan dulot  pandemya .

Giit ni Lopez  alisin at linisin ang mga corrupt na kawani sa Manila City Hall na labis na nagpapahirap sa mga mamamayan sa Lungsod.

Dagdag ni Lopez bukod sa Divisoria Public Market ay marami pang naibenta ang Pamahalaang Lungsod simula maluklok sa pagka alkalde si Mayor Isko

“They sold one property I think it’s a…another mall ‘yung tabi ng zoo -Century, may mall doon. Tapos ‘yung isa pa ‘yung binili ng dad ko sa… at the time it was owned by the national government so ‘yung Escolta po binenta nila. ‘Yung dating city colleges ng Maynila, binenta nila. Isipin nyo mga kolehiyo pati kolehiyo binebenta nila. ‘Yung mga alumni nga nagpupunta nga sa akin gusto na namang kasuhan si Yorme,” pahayag ni Lopez.

Ang pahayag ni Lopez ay kasunod  ng pagtitipon ng mga  Filipino-Chinese Volunteer for BBM for President Movement para kay Senator Imee Marcos sa isang restaurant  sa  Binondo

Dinaluhan ang nasabing okasyon nina Mayoralty bet Atty. Alex Lopez, Chairman ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) Manila at Vice Mayor aspirant Raymond Bagatsing kung saan mainit silang tinanggap ng mga lider ng naturang grupo.

Kinilala ni Senator Imee ang malaking ambag ng Filipino-Chinese Community sa ekonomiya ng bansa dahil sa negosyo at trababahong dala nito.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Atty. Lopez sa Fil-Chinese community sa ipinakita nilang suporta sa BBM-Sara at sa kanilang grupo.

Nagtapos ang pagtitipon sa isang ceremonial toast para sa tagumpay.

“A lot of Chinese here, businessmen, honest to goodness businessmen who try to make a living to improve not only themselves their families but also their communities and a such they are in consonance with the BBM’s team for unifying change,” dagdag ni Lopez.

BASAHIN: Mayor Isko Moreno, Vice Mayor Lacuna at ilang konsehal, sasampahan ng kaso sa korte

Follow SMNI News on Twitter