MARAMING lugar sa Quezon City na talamak ang bentahan ng ilegal na droga bago dumating ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ganito sinuportahan ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang Republic Act No.9165 o ang Amended Dangerous Drugs Act of 1972 ni Cong. Ace Barbers.
Pinabulaanan pa ni Cong. Defensor ang sinasabi ng mga kritiko na walang kwenta at walang epekto ang war on drugs ng Pangulo.
Tutol din si Defensor sa sinasabing hindi natapos ng Pangulo ang laban na ito kontra ilegal na droga.
Hindi man 100%, subalit malaking malaki ang porsyentong nawasak dito.
Ayon pa kay Leyte 4th District Rep. Lucy Torres-Gomez, kahit napakagaling at napakatindi ng isang mayor ng lugar laban sa ilegal na droga, kung ang presidente naman ng isang bansa ay sumusuporta sa droga, mawawalan ng saysay ang lahat na hakbang na ginawa laban dito.
Subalit si Pangulong Duterte ang nanguna sa war on drugs kung kaya’t naging matagumpay ito.
Matatandaan na ibinabahagi rin ni Cong. Torres-Gomez na talamak rin sa Leyte ang droga subalit nawala lang ito sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte.