Publiko pinaghihigpit pa rin ng sinturon, sa kabila ng mas mababang dagdag sa singil sa kuryente ngayong Mayo

Publiko pinaghihigpit pa rin ng sinturon, sa kabila ng mas mababang dagdag sa singil sa kuryente ngayong Mayo

BAGAMAT may kababaan ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Mayo kumpara noong Marso, pinapayuhan ang publiko na magtipid pa rin sa konsumo ng kuryente.

Sa kaniyang pagdalo sa Quezon City Journalist Forum, sinabi ni Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga ang taas-singil ay magiging P11.4139/ kWh mula sa dating P10.9518/ kWh noon pang Abril.

Paliwanag ng Meralco, ang naturang power rate increase ay bunsod ng pagtaas ng generation charge na epekto ng mas mataas na presyo ng Wholesale Electri­city Spot Market (WESM) at Power Supply Agreements (PSAs).

Bagamat ginagawan pa rin nila ito ng paraan na mabalanse ang distribusyon sa suplay ng kuryente nang hindi lubhang maapektuhan ang mga konsyumer.

Ibig sabihin, nasa P92 ang dagdag na bayarin sa electric bill sa tahanang komukonsumo ng 200kWh; P139 naman ang madaragdag sa bayarin ng mga nakakakonsumo ng 300kWh; P185 para sa mga nakakakonsumo ng 400kWh at P231 naman para sa nakakagamit ng 500kWh kada buwan.

Sa kabilang banda, kapansin-pansin ang kaniya-kaniyang diskarte ng mga Pinoy sa pagtitipid ng kuryente gaya ng agarang pag-aalis ng plug sa mga appliances kung hindi naman ginagamit at paglalagay ng oras o skedyul sa pagbubukas ng mga kagamitang de-kuryente.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble