Pulis na umano’y gunman ng pamilya Teves, nahuli ng CIDG

Pulis na umano’y gunman ng pamilya Teves, nahuli ng CIDG

NAARESTO ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang pulis na ginagamit umanong gunman ng pamilya Teves.

Kinilala ni PNP CIDG Director Police Brigadier General Romeo Caramat Jr. ang nahuli na si Police Staff Sergeant Noel Santa Ana Alabata Jr. alyas Alfonso Edena Tan.

Si Alabata ay natiklo sa harapan lamang ng gusali ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa Camp Crame, Quezon City.

Nahaharap ang pulis sa kasong Attempted Murder at Attempted Homicide.

Agad na dinala ang pulis sa CIDG para sa documentation habang hinihintay ang commitment order ng korte.

Follow SMNI NEWS in Twitter