Pulisya, ilalagay sa high alert sa anibersaryo ng CTGs

Pulisya, ilalagay sa high alert sa anibersaryo ng CTGs

ILALAGAY sa high alert ang PNP Special Action Force (SAF) at Regional Mobile Force Battalions (RMFB) sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. sa Year-End Command Conference sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon kay Azurin, layunin nitong mapigilan ang posibleng karahasan ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa kanilang ika-54 na anibersaryo sa Disyembre 26.

Madalas aniya na naglulunsad ng pag-atake ang nasabing grupo laban sa pwersa ng gobyerno sa nabanggit na petsa.

Hinihintay na lang ni Gen. Azurin ang desisyon ng gobyerno kung magdedeklara ng ceasefire sa CTGs upang kanila itong maipatupad sa kanilang hanay.

Follow SMNI NEWS in Twitter