KINUMPIRMA ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit Central Visayas ang natagpuang bata sa Libjon, Tabogon nitong nakaraang linggo.
Kasabay nito ang paglilinaw na walang foul play at hindi pinugutan ng ulo ang bata.
Naubos lang anila ang laman ng ulo dahil sa tagal na nagdi-decompose ang katawan ng walong araw.
Lumabas rin sa imbestigasyon ng Tabogon Municipal Police Station na nauntog ang bata dahil nadulas ito hanggang sa naanod ng tubig ulan.
Nauna nang naireport na nawawala ang bata hanggang sa natagpuan itong wala nang buhay.
“Regarding dito sa bata na na missing then nakita na patay na sir. May result na po ang autopsy sa katawan ng bata and accordingly wala pong foul play sir and hindi daw po naputol ang ulo. Naubos lang daw po ang laman ng ulo dahil sa tagal na nagdedecompose ang katawan for 8 days. Nainterview na din po ng Tabogon MPS yung mga bata na kasama nyang naglaro nung time na yun and lumalabas na nauntog ang ulo dahil nadulas then naanod ng tubig ulan kinagabihan sir,” ayon sa CIDG RFU 7.