2ID PH Army, nakiisa sa Tarlac Heritage Foundation para sa kalikasan

2ID PH Army, nakiisa sa Tarlac Heritage Foundation para sa kalikasan

UPANG makatulong na maibasan ang epekto ng climate change ay isang Memorandum of Understanding (MOU) ang pinirmahan sa pagitan ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ng Philippine Army at Tarlac Heritege Foundation.

Ang MOU ay pinirmahan ni MGen. Cerilo C. BalaoroJr., Commander 2nd Infantry (“Jungle Fighter”) Division, Philippine Army at Ms. Isabel Cojuanco-Suntay, Co-founder ng Tarlac Heritage Foundation.

Naroon din sa nasabing event na ginanap sa Camp Capinpin, Tanay Rizal si Major General Pedro Balisi Jr. Commader ng Armor Division ng Philippine Army.

Sa nasabing kasunduan ay bibigyang-daan ang pagtatayo ng “Hardin ng Lunas”—isang agricultural reforestation project na tututok sa pagtatanim ng iba’t ibang klase ng puno at gulay, at maging ang pag-aalaga ng hayop sa mga nakatiwangwang na lupa sa loob ng kampo ng sundalo.

Bilang pasimula ng proyekto ay 200 saplings ang dinala ng Tarlac Heritage Foundation para itanim sa Camp Capinpin.

Kaugnay rito ay isang app naman ang binuksan para sa mga nais makiisa sa agri-reforestation initiative ng Tarlac Heritage Foundation.

Sa nasabing app, ay maaring mamili ng klase ng puno na nais itanim tulad ng narra, molave, yakal, at iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble