QC-LGU nagdeklara ng outbreak sa sakit na pertussis 

QC-LGU nagdeklara ng outbreak sa sakit na pertussis 

NABABAHALA ang Quezon City-LGU kaya nagdeklara na ito ng outbreak sa sakit na pertussis o whooping cough.

Sa pulong balitaan, sinabi nina Mayor Joy Belmonte at Dr. Rolly Cruz, chief ng Epidemiology and Disease Surveillance Unit, unang naitala ang pagsipa ng kaso ng pertussis noong huling quarter ng 2023.

Pagpasok ng 2024 mula Enero hanggang Marso, nakapagtala ng 23 pertussis cases sa Quezon City at lumampas na umano ito sa outbreakpoint kaya’t nangangailangan na ng agarang aksiyon.

Paliwanag ni Dr. Cruz, kadalasang dinadapuan o tumatama ang pertussis o ang walang tigil na pag-ubo sa mga sanggol na nasa anim na buwang gulang.

Apat umano ang nasawi sa nasabing bilang, kabilang rito ang isang 23 araw pa lang na ipinapanganak at ang isang dalawang buwang gulang na sanggol.

Tatlo sa nasawi ay hindi umano nabakunahan ng prevalent vaccine.

Sinabi pa ni Dr. Cruz, isa sa nakikita nilang dahilan ng paglobo ng pertussis cases ay ang hindi pagpapabakuna ng mga ina sa kanilang mga sanggol.

Binigyang-diin naman ni Mayor Belmonte na gumagawa na ng paraan ang pamahalaang lungsod tulad ng pakikipag-ugnayan sa mga pharmaceutical company para sa pangangailangang prevalent vaccine.

Sa ngayon, nagsasagawa na umano ng contact tracing ang CESU at tiniyak din ng QC LGU na may mga quarantine area para sa mga magpopositibo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble