QC Mayor Belmonte, nakipagpulong sa Century Properties Group, Inc at PHirst Park Homes Inc, para sa programang pabahay

QC Mayor Belmonte, nakipagpulong sa Century Properties Group, Inc at PHirst Park Homes Inc, para sa programang pabahay

NAKIPAGPULONG si QC Mayor Joy Belmonte, kina Ambassador Jose E.B. Antonio, Century Properties Group, Inc. CEO Jose Marco Antonio, at PHirst Park Homes Inc. CEO Ricky M. Celis upang talakayin ang programang Pambansang Pabahay para sa Pilipino na target na agad maipatupad sa lungsod ng Quezon.

Sinabi ng alkalde, layunin ng programang ito ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makapagtayo ng higit 6 million housing units sa loob ng 6 na taon.

Kabilang na rito ang pagsasaayos sa mga informal settlements para maging prime residential sites.

Dumalo rin sa naganap na meeting sina City Administrator Michael Alimurung, at iba pang opisyal na may kinalaman sa housing program.

Follow SMNI NEWS in Twitter