NAGNEGATIBO na ang residente ng Quezon City na nagpositibo sa COVID-19 UK variants base sa kanyang pinakabagong swab test.
Ito ang inanunsyo ng local government unit (LGU) ng lungsod ngayong araw.
Ayon sa city government, magsasagawa ng final assessment ang mga doktor sa quarantine facility kung papayagan na itong umuwi sa kanilang bahay.
Gayunman, mananatili ang pasyente sa health monitoring ng dalawang linggo.
Nagbabala din ang city government sa komunidad laban sa deskriminasyon na maaaring mapanagot sa ilalim ng Anti-Descrimination Ordinance ng lungsod.