NANINDIGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi sobra sa presyo ang mga biniling Personal Protective Equipment (PPE) ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).
Ito ang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang pangalawang public address ngayong linggo.
Ayon kay Pangulong Duterte, mas mababa pa sa suggested retail price ng Department of Health at Department of Trade and Industry ang biniling PPE ng PS-DBM sa mga panahong iyon.
Bukod pa rito, sinabi ng Pangulo na hindi dapat ikumpara ang presyo ng mga surgical masks sa pag-uumpisa ng COVID-19 pandemic kaysa ngayon na stable na ang suplay ng mga PPE.
Ani Pangulong Duterte, sa mga panahon na ito ay mahal ang presyo ng mga PPE kasi walang sapat na suplay.
Dagdag pa ni Pangulong Duterte, mas mahal ang biniling PPE sa panahon ng Aquino administration na umabot sa P3,500 ang presyo kumpara sa panahon ng pandemya.