MAAARI nang makapag-aral sa Pilipinas ang refugees mula Myanmar ayon sa Commission on Higher Education (CHED).
Partikular na maaari silang makapag-aral sa University of the Philippines—Los Banos, Batangas State University, Lyceum of the Philippines University-Batangas, at Saint Louis University Baguio.
Kurso na may kaugnayan sa agrikultura, engineering, hospitality management at edukasyon ang maaari nilang ma-avail.
Para mangyari ito ay nakipag-ugnayan ang United States for International Development (US-AID) sa CHED tungkol dito sa pamamagitan ng kanilang US-AID Diversity and Inclusion Scholarship Program (DISP).
Ang DISP ay isang five-year initiative na nag-aalok ng scholarships sa scholars mula Myanmar.
Samantala, maliban sa Pilipinas, available rin ang DISP sa mismong Myanmar, Cambodia, India, Indonesia, Sri Lanka, at Thailand.