Regular risk at threat assessment, dapat gawin ng PNP at government officials

Regular risk at threat assessment, dapat gawin ng PNP at government officials

MAGKAROON ng regular na risk at threat assessment ang Philippine National Police (PNP) at mga government official.

Iminumungkahi ito ni House Committee on Public Order and Safety Chairman Rep. Dan Fernandez sa panayam ng SMNI News bilang isa sa mga hakbang para maiwasan ang patayan gaya na lang sa nangyari kay Negros Orienal Gov. Roel Degamo.

Mainam din kung malalaman ng mga awtoridad kung bakit umalis o nag-AWOL ang mga dating sundalo at pulis gaya sa mga pumatay kay Degamo na nagtrabaho na para sa mga private firm.

Samantala, suportado ni Fernandez ang suhestiyon ni Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa na ‘one strike policy’ subalit may sinabi rin itong disadvantage sa polisiya nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter