Reintegration program para sa OFWs, patuloy na titiyakin ng pamahalaan

Reintegration program para sa OFWs, patuloy na titiyakin ng pamahalaan

ILAN sa mga grupo ng overseas Filipino worker (OFW) ang nanawagan na maibigay ang sustainable economic opportunity partikular na sa mga umuuwing OFW at palakasin ang reintegration program na inilaan ng gobyerno para sa mga OFW.

Ayon naman kay OFW Party-list Rep. Marissa Magsino at ng Department of Migrant Workers (DMW), patuloy na pinagsisikapan ng pamahalaan ang samu’t saring problemang kinakaharap ng mga ahensiya at ang pagtitiyak sa reintegration program sa mga umuuwing OFW sa bansa.

Ang mga nasabing pahayag ay kasabay sa isinagawang Rights and Reintegration of Returnee Migrant Women in South East Asia, araw ng Martes na pinangunahan ng Global Alliance Against Traffic in Women (GAATW), DMW at ng Ople Center.

Ayon naman naman kay Congw. Magsino, marami na siyang mga panukala na isinusulong para sa kapakanan at karapatan ng mga OFW simula nang siya ay umupo sa Kongreso.

Follow SMNI NEWS on Twitter