PUMALO na sa 208 na mga reklamo ang natanggap ng Task Force Against Corruption.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, sa nasabing bilang ay 148 dito ang ni-refer sa actual corruption cases.
Nasa 69 na reklamo naman aniya ang ini-evaluate, 40 kaso ang ni-refer sa ibang mga ahensiya at isang kaso ang ihahain sa tanggapan ng Ombudsman ngayong araw.
Matatandaang ang Task Force Against Corruption ang inatasan na imbestigahan ang mga alegasyon ng korupsyon sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.