Rep. Abu: Hindi dapat katakutan ang NTF-ELCAC, dapat itong ipagpatuloy at dagdagan ang pondo

Rep. Abu: Hindi dapat katakutan ang NTF-ELCAC, dapat itong ipagpatuloy at dagdagan ang pondo

HINDI dapat katakutan ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bagkus dapat itong ipagpatuloy at dagdagan ang pondo.

Ayon kay Representative Raneu Abu pinupunan ng mga programa ng NTF-ELCAC ang mga pagkukulang ng National government lalong -lalo na sa mga liblib na lugar.

“Yung pondo na napupunta sa ELCAC na ibinigay na proyekto sa mga tao, yan yung pumupuno sa iba pang mga hindi masagutan ng national government sa dami ng problema. Ang problema ng national government ganitong kalaki sa ating tinutuluyan ngayon pero ang pondo lamang ay ganyan lamang kalaki sa isang round table na pagkakasyahin sa ganitong kalaking programa,”ayon kay Rep. Abu.

”At ang bawat departamentong nangangailangan tulad ng Department of Public Works and Highways, Department of Agriculture, meron sila na direct na dapat puntahan ng pondo nila. So yun yun na mga nagpupuno sa mga gaps ng mga non-government agency natin na makasagot sa kung ano yung pangangailangan sa lugar na yun,”saad nito.

”Alam naman natin na ang mga pondong yun ay doon nilalagay doon sa mga nakubkob o doon sa mga nainfest o doon sa mga nakuha ng CPP-NPA-NDF. So ito yung kakulangan dito, nagkukulang itong ibang line government agency so kami ang papasok. Hindi bala ang ibinibigay ng gobyerno. Ang ibinibigay ng gobyerno, ang ibinibigay ng gobyerno ay kalinga, aruga at pangangailangan doon. Kaya ito’y hindi dapat katakutan, hindi dapat iwasan dapat dagdagan pa at ipatuloy natin,”dagdag nito.

SMNI NEWS