PINATUTSADAHAN ngayong Lunes ni Congressman Dan Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety and panghihimasok ng International Criminal Court (ICC) sa War on Drugs ni former President Rodrigo Roa Duterte.
Kasabay ito ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Halatado masyado ang pagkainis ni Cong. Dan Fernandez nang di sinasadyang maitanong ng isa sa mga program host ng Laban Kasama ang Bayan ng SMNI ang ginagawang panghihimasok ng ICC kaugnay sa iginigiit nitong pag-iimbestiga sa nakaraang War on Drugs ng nakaraang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Binigyan diin ni Hernandez na wala nang hurisdiksiyon ang ICC sa bansa bagay na nagpainis pang lalo sa kongresista.
Kung matatandaan, binanatan na rin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang ICC ukol sa naturang issue sa War on Drugs ng nakaraang Pangulo, ani Marcos banta sa soberanya ng bansa ang hakbang ng ICC.
Dagdag pa ng Pangulo na hindi na kolonya ng mga dating imperyalista ang bansang Pilipinas.
Kaya naman huling hirit ni Fernandez sa ICC.
“Dapat nga ‘yung mga pupunta sa’ting ICC persona non grata natin ‘yan mga yan eh…Dapat talaga, ideklara natin silang persona non grata,” saad ni Rep. Dan Fernandez, Chairman, House Committee on Public Order and Safety.