ISA ngayon si TV host at actor na si Aga Muhlach sa mga celebrity na ipinanawagan ang pagbibigay respeto sa mga napupusuang kandidato ng ibang tao ngayong halalan.
Aniya, dapat walang pakialaman kung anong kulay sa politika ang napili ng isang tao dahil magkaiba ang prinsipyo ng bawat isa.
Kung gusto umano ng isang indibidwal ang kulay rosas, hayaan na ito, maging sa mga taong pumili rin ng kulay pula, asul at iba pa.
Mas mainam na ipairal nalang din ang diwa ng pagmamahalan.
Kaugnay nito, hindi rin sang-ayon si Aga sa cancel culture na nangyayari sa kasalukuyan.