INILABAS na ng Baguio City Police ang mga pangunahing lansangan na isasara para sa pagdaraos ng Panagbenga Grand Street Dancing at Floral Float Parade simula ngayong araw, Pebrero 21 hanggang sa araw ng Linggo, Pebrero 23.
Kabilang sa mga kalsadang temporaryong isasara ang half lane ng kahabaan ng Session Road, Harrison Road, Jose Abad Santos Drive, at Lake Drive.
Mamayang hapon simula alas-3 hanggang alas-7 ng gabi ay isasara ang mga nabanggit na kalsada para bigyang daan ang ‘Super Centennial Parade’.
Isasara naman simula ala-1 ng madaling araw hanggang alas-3 ng hapon sa araw ng Sabado at Linggo ang South Drive, Session Road, North Drive, Kalaw Street, bahagi ng Abanao Street, bahagi ng Magsaysay Avenue, Harrison Road, Perfecto Street, Mabini Street, Shanum Street, Abad Santos Drive, at Lake Drive.
Inabisuhan naman ang mga motorista at ang mga commuter na dumaan sa mga alternatibong ruta.
Nagtakda na rin ng emergency lane ang Baguio PNP sa Kalaw Road at North Drive bilang entry at exit patungo sa mga ospital ng lungsod partikular na sa Notre Dame de Chartes Hospital, SLU Hospital, Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC), Baguio Medical Center (BMC).
Follow SMNI News on Rumble