Sakripisyo at kabayanihan ng SAF 44, muling inalala sa National Day of Remembrance sa Silang, Cavite

Sakripisyo at kabayanihan ng SAF 44, muling inalala sa National Day of Remembrance sa Silang, Cavite

MULING inalala ang naging sakripisyo at kabayanihan ng 44 na miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) na nasawi sa madugong engkuwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong 2015.

Isinagawa ang National Remembrance of the Heroic Sacrifice of SAF 44 sa Philippine National Police Academy (PNPA) sa Silang, Cavite nitong Enero 25, 2024.

Ginagawa ito taun-taon magmula nang ilabas ang Proclamation No. 164 noong 2017 sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ang mga nasawing miyembro ng SAF ay napatay sa ikinasang Mamasapano operation kung saan target ang Malaysian terrorist at bomb maker na si Zulkifli bin Hir, alias Marwan.

Sa naturang pagtitipon sa Cavite, nagbigay-pugay si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.  sa kagitingan at katapangan ng 44 na miyembro ng SAF.

Nagsagawa rin ang Pangulo ng wreath-laying sa Monument of the Fallen Heroes sa PNPA.

Kasama sa dumalo sina PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., Special Action Forces Director Major General Bernard Banac, Philippine National Police Academy Director Major General Samuel Nacion at iba pang opisyal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble