Saudi Arabia, bukas kumuha ng Pinoy workers para sa kanilang mega projects

Saudi Arabia, bukas kumuha ng Pinoy workers para sa kanilang mega projects

BUKAS ang Saudi Arabia sa pag-hire ng mga Pinoy worker ngayong naghahanda sila bilang host ng 2034 World Cup.

Sa pahayag ng Saudi Arabian ambassador, magtatrabaho ang makukuha nilang Pinoy workers sa malalaking proyekto ng Jeddah at sa iba pang lugar ng bansa.

Ayon pa sa ambassador, katuwang na ng Saudi Arabia ang mga Pilipino sa iba’t ibang development sa nakalipas na 40 taon kung kaya’t hindi sila mag-aatubiling kumuha ng Pinoy workers sa kanilang mga proyekto.

Sa ngayon ay halos isang milyon na ang mga Pilipino na nasa Saudi Arabia.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter