Schedule ng pag-imprenta ng balota para sa SK at Brgy Elections inurong ng COMELEC

Schedule ng pag-imprenta ng balota para sa SK at Brgy Elections inurong ng COMELEC

INIHAYAG ni Commission on Elections (COMELEC) spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na na-reset ang schedule para sa pag-imprenta ng mga balota na gagamitin para sa Brgy at SK Elections.

Sa unang plano ng komisyon, ngayong linggo nila sisimulan ang pag iimprenta pero minabuting iurong na lamang sa susunod na linggo.

Ito ay dahil sa panibagong negosasyon na ginagawa nila kasama ang National Printing Office (NPO).

Nangako aniya ang NPO na hindi na ito magpapabayad sa mga maiimprentang balota at sa dagdag na security features nito.

Inalok din aniya ng NPO ang warehouse at warehousing services nito para sa mga balota.

Dahil dito, ayon kay Laudiangco, malaki ang matitipid ng komisyon para sa gaganaping halalan sa Disyembre.

Follow SMNI NEWS in Twitter