Season 48, magsisimula na sa susunod na buwan

Season 48, magsisimula na sa susunod na buwan

MAGSISIMULA na sa Nobyembre 5, 2023 ang Season 48 ng Philippine Basketball Association (PBA).

Bago ang opening ceremonies alas singko ng hapon sa Nobyembre 5 ay magbibigay muna ang PBA ng awards alas kwatro ng hapon para sa mga outstanding na basketbolista noong Season 47 sa kanilang 47th Season Leo Awards.

Ang TNT Tropang Giga at Magnolia Chicken Timplados ang kauna-unahang maglalaro, alas siyete ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa araw na ito.

Sa Nobyembre 19 ay maglalaro naman ang Barangay Ginebra at Magnolia Chicken Timplados.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter