Sec. Tulfo, bibigyang tulong ang mga katutubong lumuluwas ng Maynila para manglimos

Sec. Tulfo, bibigyang tulong ang mga katutubong lumuluwas ng Maynila para manglimos

PINAPLANTSA na ni Department of Social Welfare Secretary (DSWD) Erwin Tulfo ang posibleng hakbang na gagawin ng ahensya para tulungan ang mga katutubong lumuluwas ng Maynila para manglimos.

Sa kanyang talumpati ngayong Lunes, sinabi nito na bibigyan niya ng pangkabuhayan ang mga katutubo bilang hanapbuhay para sa kanilang araw-araw na gastusin.

Nakipag-ugnayan din ang kalihim sa mga lokal na pamahalaan para naman sa Local Civil Registry para magawan ng birth certificates ang libu-libong indigenous people (IPs) na nakatira sa lansangan.

Karamihan sa mga dumarayo sa Kamaynilaan ay ang mga katutubong nagmula pa sa Mindanao at Central Luzon.

Mababatid na tuwing holiday season, libu-libong IPs ang pumupunta ng Kamaynilaan para makahanap ng mapagkakakitaan sa pamamagitan ng panglilimos sa mga lansangan.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI NEWS in Tiktok

Follow SMNI NEWS in Instagram