HINIMOK ni Senator Christopher Bong Go ang papasok na Marcos administration na ipagpatuloy ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa o BP2 Program ng papatapos na administrasyon.
Ito aniya ay para ma-decongest ang mga highly urbanized na syudad at mapatatag ang regional o countryside development.
Isa pa sa mga proponent ng BP2 Program ay ang pagbibigay ng trabaho o mapagkakikitaan sa mga uuwi ng probinsya para sa kanilang pagsisimula doon.
Matatandaan na Mayo 2020 nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naturang programa sa ilalim ng Executive Order No. 114 pero bago ito nagpasa ang Senado ng resolusyon para dito kung saan si Sen. Go ang may akda.
Sa ngayon ay nasa mahigit 2, 500 na pamilya ang natulungan ng naturang programa.